Ang Gubat

Isinulat ni Khate Julianne

Mag-aaral ng CES

Ang Gubat

Isinulat ni Khate Julianne
Mag-aaral ng CES

Statement ni Kuya Rome tungkol sa akda:

Pinayuhan ko ang mga bata na kuwentong pambata ang gagawin namin. Nabanggit nila sa akin ang mga kwentong pambata na nabasa na nila sa classroom, natuwa akong maalam din sila sa mga kwentong Filipino. Nilapat ni Khate ang kanyang kwento sa mga tema at estetiko ng kuwentong pambata.

Ang Gubat
Isang araw may isang batang mabait. Siya ay masayahin at palakaibigan. Isang gabi inutusan siya nang kanyang ina na kumuha nang prutas sa gubat. Ang bata ay nasa gubat at bigla siyang hinabol ng oso at siya ay naligaw sa gubat. Hindi niya napansin na naliligaw na siya at umiyak ang bata. Hinanap siya ng kanyang ina pero hindi na siya mahanap. May nakitang bahay ang bata at lumapit siya sa bintana ng bahay para tingnan kung may tao ba. Pumunta siya sa pinto at kumatok sabay sabi “Tao po, may tao po ba?” sabi ng bata. May sumagot na isang babae at sabi “Meron, bakit sino ka ba?” at biglang lumapit sa pinto ang babae at binuksan ito at nakita niya ang bata na umiiyak, pinapasok niya ito at nag-usap silang dalawa. Pinag-usapan nila kung anong nangyari, ba't umiiyak ang bata. Ang sabi naman ng bata “Nawawala po ako. Pwede po bang tulungan niyo po ako” at tinulungan ng babae ang bata. Nahanap na nila ang kaniyang ina at lumapit ito at niyakap.

The end.

Lesson: Huwag lumabas o pumunta sa gubat pag gabi.