High School Friends

Isinulat ni Allyza Christine

Mag-aaral ng CES

High School Friends

Isinulat ni Allyza Christine
Mag-aaral ng CES

Nagkakilala sila Auria, Alea, Keisha, at syempre sila Ken, Caleb, at Owen. First day at school nakita ni Auria si Alea. “Auria!” sigaw ni Alea. “Uyy, asan nga pala si Keisha?” Ah, baka nag-aaral pa.” sagot ni Alea. “Ah sige, puntahan natin siya” sabi ni Auria. “Haysst! Nakakapagod na mag-aral! Gusto ko nang sumuko” ang sabi ni Keisha. Bigla naman dumating sila Auria at Alea.”O, ba’t parang ang lungkot mo ata?” pagbati ni Alea.

“Eh paano kasi parang nawawalan na ako ng pag-asa sa pag-aaral.” sagot ni Keisha. “Wag ka mawawalan ng pag-asa! Kaya mo yan!” sigaw ni Auria. Bigla namang dumating sila Kent, Caleb, at Owen. “Hi guys” sabi ni Ken. “Hi” sabi naman ni Keisha. “Ba’t ang lungkot mo?” sabi ni Owen. “Eh kasi paano ba naman nawawalan na ang pag-asa tong si Keisha.” sabi ni Auria. “Nako! Kaya mo yan! Diba pupunta pa tayo ng Europe at Korea?” sagot ni Owen. “Ay, oo nga pala may mga pangarap pa tayo!” sabi ni Alea. “Laban lang guys!” sabi naman ni Caleb. At naintindihan ni Keisha na bago siya sumuko kailangan subukan niya munang lumaban at alalahanin ang kanyang mga pangarap.