Kaibigan

Isinulat ni Kyla Nicole

Mag-aaral ng CES

Kaibigan

Isinulat ni Kyla Nicole
Mag-aaral ng CES

Statement ni Kuya Rome tungkol sa akda:

Isa sa mga importanteng aspeto ng kanilang pagkabata ay ang kanilang nakakasalamuha. Mapapansin din sa gawa ni Kyla ang code-mixing o paggamit niya ng “Taglish”. Hindi na ito nakakagulat sapagkat bunga ito ng paghahalo-halo ng mga wika bilang language of instruction, alinsunod sa balangkas ng DepEd. Asahan natin na dadami pa ang ganitong mga kuwento ng mga bata, ang pagtingin nila sa mundo gamit ang halo-halong wika.

Kaibigan
Noong 3 years old ako ka lilipat lang namin ng bahay. Kinabukasan nun nakilala ko ang mga bago kong kaibigan. Nagpakilala kami sa isat-isa at nakilala ko nun si Nhyessel. Siya yung pinakamatanda sa aming magkakaibigan. Habang tumatagal, ang ibang kaibigan ko ay lumilipat na ng bahay kaya minsan wala na ako nakakalaro o nakikitang mga bagong kaibigan. Masaya ako nung pumasok ako ng Grade 1 dahil nakilala ko naman si Isaia bilang kaklase ko. Close friends naman kami at mabait at matalino siya. Grade 2 na ako and we are still classmate and true friends pero pagdating ng Grade 3 and 4 nagkahiwalay kami kaya naputol ang pagkakaibigan namin. Pero ngayong grade 5 nabigyan kami ng pagkataon na maging magkaibigan ulit and nakilala ko din si Nathan bilang bago kong kaibigan. Balik tayo kay Nhyessel dahil naging still ang pagkakaibigan namin at nanlilibre siya madalas. Pinagtanggol niya ako kapag may nangbubully sa akin and sila Isaiah and Nathan nagiistay parin kaming magkakaibigan. Ang saya na may kaibigan dahil sila yung nagbibigay inspiration at saya sa atin at kahit magkakalayo, hindi parin namin nalilimutan ang mga pinagsamahan namin. Kaya be friendly and be kind and never forget na yung mga pinagsamahan niyo dahil isa na yun sa mga naging karanasan na nagpapasaya sa atin.