Pag Kasama Mo ang Kaibigan Mo

Isinulat ni Asherlene Mhae

Mag-aaral ng CES

Pag Kasama Mo ang Kaibigan Mo

Isinulat ni Asherlene Mhae
Mag-aaral ng CES

Si Hanna, Allison at Ella ay matalik na magkaibigan. Lagi silang magkakasamang tatlo. Masaya silang sabay-sabay na kumakain araw-araw sa canteen ng kanilang paaralan at pagkatapos ay sabay-sabay silang bumabalik sa silid aralan. Ngunit, isang araw sinabi ni Ella kay Hanna at Allison na may problema daw siya. Labis na nag-alala sina hanna at Allison para kay Ella. Napag desisyonan ni Ella na pumunta nalang ng eskwelahan at diretso bahay para makapag isa muna siya. Sinabi niya ang kanyang plano sa mga kaibigan niya at labis ang lungkot na naramdaman nila Allison at Hanna. “Pero Ella, mas magiging maayos ka kapag kasama mo ang mga kaibigan mo, malilimutan mo ang problema mo. Tutulungan ka namin ni Allison!” sagot ni Hanna. “Oo nga mas magiging maayos ka kapag kasama mo kami. Tutulungan at dadamayan ka namin sa lahat!” dagdag ni Allison sa sinabi ni Hanna. Lumipas ang mga araw at napagisipan ni Ella na baka nga tama si Hanna at Allison. Pagkatapos, tuluyan na siyang sumasama sa kanyang kaibigan. Dumating ang mga araw na masaya na ulit si Ella at wala na siyang problemang inaalala. “Oo nga tama kayo, Hanna at Allison! Na mas magiging okey at masaya ka pag kasama mo ang mga kaibigan mo” at ngumiti ito sa kanila.