Pagtutulungan Para sa Inang Kalikasan

Isinulat ni Christine

Mag-aaral ng CES

Pagtutulungan Para sa Inang Kalikasan

Isinulat ni Christine
Mag-aaral ng CES

Statement ni Ate Jegs tungkol sa akda:

Hindi ko alam kung intensyon ba ni Christine na magkaroon ng napakagandang tugma ang kanyang akda, pero tunay akong nabighani sa kanyang talento. Mahusay ang pagkasunod-sunod ng mga pangungusap at hindi ko naiwasang maalala ang mga slogan making contest noon tungkol sa kalikasan. Magandang halimbawa ito na maaaring makatulong ang sining sa pagpapahayag ng mahahalagang mensahe!

Pagtutulungan Para sa Inang Kalikasan

Ang kapaligiran ay masarap pagmasdan,

Kung ang bawat tao ay nagtutulungan sa pagsasaayos ng kalikasan.

Ang kalikasan ay dapat nating ingatan,

Dahil pag ito’y nawala tayo’y mamamatay ng tuluyan.

Ang katubigan pag ito’y rumumi tayo’y mauuhaw,

Pag ang mga puno’t halaman ay nawala tayo’y magugutom ng tuluyan

At walang madadapuan ang mga ibon, na mapapagod sa paglipad.

Sana ang kalikasan ay ating maingatan dahil tayo rin ay kawawa at sa susunod na henerasyon,

Sana’y iyong dinggin ang aking panalangin,

Tulong-tulong tayong linisin ang mga magaganda nating tanawin.