Mito

Isinulat ni Eala Julienne Nolasco

Student Teacher

Mito

Isinulat ni Eala Julienne Nolasco
Student Teacher

Hindi ako natuto sa libro

Walang salitang nagbubuklod sa igting ng puso sa alala-alalang ang librong hinahawakan ko,

Isang mito sa tabi ng imahe

Ng daddy kong nagtitinda ng pandesal noong siya’y sampung taon

At ilang taong paghahangad na makaangat ang pamilya nila ng walo,

mula sa araw-araw na asin lang ang ulam

At ako ngayon napaliligiran ng libro, kumot,

Ideya at mga kaibigang ganoon din ang kinalakihan

Pero hindi palaging ganito;

Hindi lahat natututo sa libro,

Hindi lahat na-iaangat ang pamilya mula sa pagkayod,

Hindi lahat sinuswerte,

At ilang dekadang nakalipas andito pa rin tayo—

Sa pagtanaw sa pagsipat ng araw sa milyong mga Pilipinong

Naguunahan sa pilang lahat nagsisikuhan

sa pilang paakyat sa rehas na binubuo ng mga taong tulad ng daddy ko noon—

Mga brasong maghapon ang pagkakayod,

Mga binting palaging nakatayo para maging ligtas tayong napaliligiran ng libro;

Kapag lumubog na ang araw,

Maririnig natin ang buntong-hininga,

ng isang pagod na bata mula sa eskwela

Sasalubungin ng walang katumbas na yakap ni pa at ma

Bukas, ilang libro na naman ang babasahin,

Sasagutan;

Ilang buntong hininga na naman ang kukumot sa tagpi-tagpi nating isla

Na tinatahi ng buntong-hininga sa umaga,

Ng mga bagang walang gabing hinihintay

Dahil sa lansangan nakadetalye ang aral—

Hindi sa libro,

At sa panalangin na lamang nila

Na ang anak nila ay suswertihin din na mauna, sa pilang pataas na rehas ang daan;

Pero sa ngayon,

May mga hindi matututunan sa libro,

Kundi sa kirot mula sa alalang hindi alamat,

hindi isang kwento bago matulog—

May mga bida sa kwentong ito,

May buntong hininga sila, mula sa bagang kadikit ang pusong kutob ang tinitibok,

Na naghahangad na ang kirot na nararamdaman mo

Mula sa kwentong sa libro mo lang mararanasan

Ay sapat para makita na ang braso,

hindi lamang parte ng katawan;

Ang binti, hindi lamang pantahak ng daan

Ang libro, hindi lamang binabasa;

May mga librong preso sa mga bidang hindi pinili ang ganitong kwento

Nabilang ang daddy ko rito

Sinwerte lang siya,

Pero mas mahalaga,

Na kalimutan ang didaktikong sulat ng libro mo!

Matutunan ang apoy hindi lamang pang sindi ng ilaw o panluto,

minsan,

isang susi sa pagpapalaya ng mga bida sa kwentong inaapak-apakan sila,

sa pikit-mata mong paglipat ng mga pahina

Na hindi puno ng mahika at mito;

Basahin mo ang kwento ng iba,

Sindihan mo ang librong hindi nagpapalaya

My experience in KP wasn’t about me teaching the kids how to see the world through similes, metaphors, or imagery, but more on them reminding me what it’s like to see the world so simply with so much hope and honesty. Hand-in-hand, I learned to be patient as the kids tried to grasp the ropes of poetry writing. It wasn’t clean-cut, not everyone got it immediately, a lot of the kids wrote so directly about education—which is the theme—, but a few more examples proved that the most important factor for them wasn’t about “form” or “abstraction”, but purity and honesty in content. Overall, it was just an enthralling experience, an honor actually, that I was part of the kids’ discovery of the binding and healing power of poetry.