Ang Aking Buhay
Isinulat ni Samantha Nicole
Mag-aaral ng CES
Statement ni Ate Lulay tungkol sa akda:
Sa ganitong mga panahon pinaka ramdam ang halaga ng buhay sa atin. Sa maikling talata ni Sam, natatalakay niya ang isa sa mga bagay na pinahahalagahan sa buhay at siya ring ginagawang mahalaga ang buhay.
Ang Aking Buhay
Ang aking buhay ang mahalaga sa akin
dahil kung wala ito wala ako sa mahal kong mundo
hindi ako magkakaroon ng masasayang pangyayari
at malulungkot na pangyayari
Kung wala ito, at para rin itong aking mga magulang
dahil ang aking magulang ay para ko nang buhay
dahil sila ay nagbibigay sa akin ng saya
at lungkot at kung wala sila
wala rin ako sa mahal kong mundo.
Pati ang mahal kong mundo ay para ko nang buhay
halos lahat ng mahal ko sa aking buhay
ay para ko na ring buhay